Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 50)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 50

وَمُصَدِّقًا لِمَا بَيْنَ يَدَيَّ مِنَ التَّوْرَاةِ وَلِأُحِلَّ لَكُمْ بَعْضَ الَّذِي حُرِّمَ عَلَيْكُمْ ۚ وَجِئْتُكُمْ بِآيَةٍ مِنْ رَبِّكُمْ فَاتَّقُوا اللَّهَ وَأَطِيعُونِ 50 ٥٠

[Dumating ako] bilang tagapagpatotoo para sa nauna sa akin na Torah at upang magpahintulot ako para sa inyo ng ilan sa ipinagbawal sa inyo. Naghatid ako sa inyo ng isang tanda mula sa Panginoon ninyo kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin. (50)

Tafsīr
Dumating ako sa inyo, gayundin, bilang tagapagpatotoo para sa ibinabang Torah noong wala pa ako. Dumating ako upang magpahintulot ako para sa inyo ng ilan sa ipinagbawal sa inyo noong una, bilang pagpapadali at pagpapagaan sa inyo. Naghatid ako sa inyo ng isang patunay na maliwanag sa katumpakan ng sinabi ko sa inyo, kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at tumalima kayo sa akin hinggil sa inaanyaya ko sa inyo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba