Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 61)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 61

فَمَنْ حَاجَّكَ فِيهِ مِنْ بَعْدِ مَا جَاءَكَ مِنَ الْعِلْمِ فَقُلْ تَعَالَوْا نَدْعُ أَبْنَاءَنَا وَأَبْنَاءَكُمْ وَنِسَاءَنَا وَنِسَاءَكُمْ وَأَنْفُسَنَا وَأَنْفُسَكُمْ ثُمَّ نَبْتَهِلْ فَنَجْعَلْ لَعْنَتَ اللَّهِ عَلَى الْكَاذِبِينَ 61 ٦١

Kaya ang sinumang nangatwiran sa iyo hinggil sa kanya matapos na may dumating sa iyo na kaalaman ay magsabi ka: “Halikayo, magsitawag tayo sa mga anak namin at mga anak ninyo, mga kababaihan namin at mga kababaihan ninyo, at mga sarili namin at mga sarili ninyo. Pagkatapos maalab na manalangin tayo saka manawagan tayo ng sumpa ni Allāh sa mga sinungaling.” (61)

Tafsīr
Kaya ang sinumang nakipagtalo sa iyo, O Sugo, kabilang sa mga Kristiyano ng Najrān hinggil sa lagay ni Jesus, habang nag-aakalang ito ay hindi isang lingkod ni Allāh, nang matapos na may dumating sa iyo na kaalamang tumpak hinggil sa lagay nito ay magsabi ka sa kanila: "Halikayo; manawagan tayo para sa pagdalo ng mga anak namin at ng mga anak ninyo, ng mga kababaihan namin at ng mga kababaihan ninyo, at ng mga sarili namin at ng mga sarili ninyo, at magtipon tayo sa kabuuan natin. Pagkatapos magsumamo tayo kay Allāh sa pamamagitan ng panalangin na magbaba Siya ng sumpa Niya sa mga sinungaling kabilang sa amin at sa inyo."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba