Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 65)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 65

يَا أَهْلَ الْكِتَابِ لِمَ تُحَاجُّونَ فِي إِبْرَاهِيمَ وَمَا أُنْزِلَتِ التَّوْرَاةُ وَالْإِنْجِيلُ إِلَّا مِنْ بَعْدِهِ ۚ أَفَلَا تَعْقِلُونَ 65 ٦٥

O mga May Kasulatan, bakit kayo nakikipagkatwiran hinggil kay Abraham samantalang hindi pinababa ang Torah at ang Ebanghelyo kundi matapos na niya? Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa? (65)

Tafsīr
O mga May Aklat, bakit kayo nakikipagtalo hinggil sa kapaniwalaan ni Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan? Ang mga Hudyo ay nag-aangking si Abraham ay isang Hudyo at ang mga Kristiyano ay nag-aangking siya ay isang Kristiyano samantalang kayo ay nakaaalam na ang Hudaismo at ang Kristiyanismo ay hindi lumitaw kundi matapos ng kamatayan niya nang matagal na panahon. Kaya hindi ba kayo nakatatalos sa pamamagitan ng mga isip ninyo sa kabulaanan ng sinasabi ninyo at kamalian ng pinag-aangkin ninyo?

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba