Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 65 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 65 sa 200 • Tagalog


يَا أَهْلَ الْكِتَابِ لِمَ تُحَاجُّونَ فِي إِبْرَاهِيمَ وَمَا أُنْزِلَتِ التَّوْرَاةُ وَالْإِنْجِيلُ إِلَّا مِنْ بَعْدِهِ ۚ أَفَلَا تَعْقِلُونَ 65
Pagsasalin:
O mga May Kasulatan, bakit kayo nakikipagkatwiran hinggil kay Abraham samantalang hindi pinababa ang Torah at ang Ebanghelyo kundi matapos na niya? Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa? Āl ‘Imrān 3:65
Tafsīr:
O mga May Aklat, bakit kayo nakikipagtalo hinggil sa kapaniwalaan ni Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan? Ang mga Hudyo ay nag-aangking si Abraham ay isang Hudyo at ang mga Kristiyano ay nag-aangking siya ay isang Kristiyano samantalang kayo ay nakaaalam na ang Hudaismo at ang Kristiyanismo ay hindi lumitaw kundi matapos ng kamatayan niya nang matagal na panahon. Kaya hindi ba kayo nakatatalos sa pamamagitan ng mga isip ninyo sa kabulaanan ng sinasabi ninyo at kamalian ng pinag-aangkin ninyo?
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 64 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 66