Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 66 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 66 sa 200 • Tagalog


هَا أَنْتُمْ هَٰؤُلَاءِ حَاجَجْتُمْ فِيمَا لَكُمْ بِهِ عِلْمٌ فَلِمَ تُحَاجُّونَ فِيمَا لَيْسَ لَكُمْ بِهِ عِلْمٌ ۚ وَاللَّهُ يَعْلَمُ وَأَنْتُمْ لَا تَعْلَمُونَ 66
Pagsasalin:
Kayo itong nakikipagkatwiran hinggil sa mayroon kayo ritong kaalaman kaya bakit kayo nakikipagkatwiran hinggil sa wala kayo ritong kaalaman? Si Allāh ay nakaaalam at kayo ay hindi nakaaalam. Āl ‘Imrān 3:66
Tafsīr:
Heto kayo, O mga May Aklat, nakipagtalo sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – hinggil sa mayroon kayo ritong kaalaman mula sa usapin ng relihiyon ninyo at anumang ibinaba sa inyo kaya bakit kayo nakikipagtalo hinggil sa wala kayo ritong kaalaman mula sa usapin kay Abraham at relihiyon niya, na wala sa mga aklat ninyo at hindi inihatid ng mga propeta ninyo? Si Allāh ay nakaaalam sa mga katotohanan ng mga usapin at mga lihim ng mga ito, at kayo ay hindi nakaaalam.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 65 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 67