Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 67 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 67 sa 200 • Tagalog


مَا كَانَ إِبْرَاهِيمُ يَهُودِيًّا وَلَا نَصْرَانِيًّا وَلَٰكِنْ كَانَ حَنِيفًا مُسْلِمًا وَمَا كَانَ مِنَ الْمُشْرِكِينَ 67
Pagsasalin:
Hindi nangyaring si Abraham ay isang Hudyo ni isang Kristiyano, subalit siya noon ay isang makatotoong Muslim at hindi siya naging kabilang sa mga tagapagtambal [kay Allāh]. Āl ‘Imrān 3:67
Tafsīr:
Hindi nangyaring si Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay nasa kapaniwalaang panghudyo ni pangkristiyano subalit siya noon ay nakakiling palayo sa mga relihiyong bulaan bilang tagapasakop kay Allāh, na naniniwala sa kaisahan Niya – pagkataas-taas Siya. Hindi siya naging kabilang sa mga tagapagtambal kay Allāh gaya ng inaakala ng mga tagapagtambal sa mga Arabe na sila raw ay nasa kapaniwalaan niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 66 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 68