Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 68 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 68 sa 200 • Tagalog


إِنَّ أَوْلَى النَّاسِ بِإِبْرَاهِيمَ لَلَّذِينَ اتَّبَعُوهُ وَهَٰذَا النَّبِيُّ وَالَّذِينَ آمَنُوا ۗ وَاللَّهُ وَلِيُّ الْمُؤْمِنِينَ 68
Pagsasalin:
Tunay na ang pinakamalapit sa mga tao kay Abraham ay talagang ang mga sumunod sa kanya, ang Propetang ito, at ang mga sumampalataya. Si Allāh ay ang Katangkilik ng mga mananampalataya. Āl ‘Imrān 3:68
Tafsīr:
Tunay na ang pinakakarapat-dapat sa mga tao sa pagkakaugnay kay Abraham ay ang mga sumunod sa inihatid niya sa panahon niya at ang pinakakarapat-dapat sa mga tao rin doon ay itong si Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at ang mga sumampalataya sa kanya kabilang sa Kalipunang ito. Si Allāh ay Tagaadya ng mga mananampalataya at Tagaingat nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 67 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 69