Surah Al-Mā’idah (Ang Hapag Kainan — المائدة) (Talata 32)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




5 Al-Mā’idah(المائدة), Talata 32

مِنْ أَجْلِ ذَٰلِكَ كَتَبْنَا عَلَىٰ بَنِي إِسْرَائِيلَ أَنَّهُ مَنْ قَتَلَ نَفْسًا بِغَيْرِ نَفْسٍ أَوْ فَسَادٍ فِي الْأَرْضِ فَكَأَنَّمَا قَتَلَ النَّاسَ جَمِيعًا وَمَنْ أَحْيَاهَا فَكَأَنَّمَا أَحْيَا النَّاسَ جَمِيعًا ۚ وَلَقَدْ جَاءَتْهُمْ رُسُلُنَا بِالْبَيِّنَاتِ ثُمَّ إِنَّ كَثِيرًا مِنْهُمْ بَعْدَ ذَٰلِكَ فِي الْأَرْضِ لَمُسْرِفُونَ 32 ٣٢

Alang-alang doon, nag-atas Kami sa mga anak ni Israel na ang sinumang pumatay sa isang tao nang hindi dahil [sa pagpatay] sa isang tao o sa [paggawa ng] kaguluhan sa lupa ay para bang pumatay siya sa mga tao nang lahatan, at ang sinumang nagbigay-buhay rito ay para bang nagbigay-buhay siya sa mga tao nang lahatan. Talaga ngang naghatid sa kanila ang mga sugo Namin ng mga malinaw na patunay. Pagkatapos, tunay na marami mula sa kanila, matapos niyon, sa lupa ay talagang mga nagpapakalabis. (32)

Tafsīr
Dahil sa pagpatay ni Cain sa kapatid niya, ipinaalam ni Allāh sa mga anak ni Israel na ang sinumang pumatay ng isang tao nang hindi dahilan sa ganting kaparusahan o panggugulo sa lupa sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya o pakikidigma ay para bang pinatay niya ang mga tao sa kalahatan dahil walang pagkakaiba sa ganang kanya sa pagitan ng inosente at may-sala. Ang sinumang nagpigil sa pagpatay ng isang taong ipinagbawal ni Allāh [ang pagpatay rito] – pagkataas-taas Siya – habang naniniwala sa pagkabawal ng pagpatay rito at hindi niya pinatay ay para bang binuhay niya ang mga tao sa kalahatan dahil ang ginawa niya ay nagdudulot ng kaligtasan sa kanila sa kalahatan. Talaga ngang dumating ang mga sugo ni Allāh sa mga anak ni Israel kalakip ng mga maliwanag na katwiran at mga hayag na patunay. Sa kabila nito, tunay na ang marami sa kanila ay mga lumalampas sa mga hangganan ni Allāh sa pamamagitan ng pagkagawa ng mga pagsuway at pagsalungat sa mga sugo nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba