Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 32 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 32 sa 120 • Tagalog


مِنْ أَجْلِ ذَٰلِكَ كَتَبْنَا عَلَىٰ بَنِي إِسْرَائِيلَ أَنَّهُ مَنْ قَتَلَ نَفْسًا بِغَيْرِ نَفْسٍ أَوْ فَسَادٍ فِي الْأَرْضِ فَكَأَنَّمَا قَتَلَ النَّاسَ جَمِيعًا وَمَنْ أَحْيَاهَا فَكَأَنَّمَا أَحْيَا النَّاسَ جَمِيعًا ۚ وَلَقَدْ جَاءَتْهُمْ رُسُلُنَا بِالْبَيِّنَاتِ ثُمَّ إِنَّ كَثِيرًا مِنْهُمْ بَعْدَ ذَٰلِكَ فِي الْأَرْضِ لَمُسْرِفُونَ 32
Pagsasalin:
Alang-alang doon, nag-atas Kami sa mga anak ni Israel na ang sinumang pumatay sa isang tao nang hindi dahil [sa pagpatay] sa isang tao o sa [paggawa ng] kaguluhan sa lupa ay para bang pumatay siya sa mga tao nang lahatan, at ang sinumang nagbigay-buhay rito ay para bang nagbigay-buhay siya sa mga tao nang lahatan. Talaga ngang naghatid sa kanila ang mga sugo Namin ng mga malinaw na patunay. Pagkatapos, tunay na marami mula sa kanila, matapos niyon, sa lupa ay talagang mga nagpapakalabis. Al-Mā’idah 5:32
Tafsīr:
Dahil sa pagpatay ni Cain sa kapatid niya, ipinaalam ni Allāh sa mga anak ni Israel na ang sinumang pumatay ng isang tao nang hindi dahilan sa ganting kaparusahan o panggugulo sa lupa sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya o pakikidigma ay para bang pinatay niya ang mga tao sa kalahatan dahil walang pagkakaiba sa ganang kanya sa pagitan ng inosente at may-sala. Ang sinumang nagpigil sa pagpatay ng isang taong ipinagbawal ni Allāh [ang pagpatay rito] – pagkataas-taas Siya – habang naniniwala sa pagkabawal ng pagpatay rito at hindi niya pinatay ay para bang binuhay niya ang mga tao sa kalahatan dahil ang ginawa niya ay nagdudulot ng kaligtasan sa kanila sa kalahatan. Talaga ngang dumating ang mga sugo ni Allāh sa mga anak ni Israel kalakip ng mga maliwanag na katwiran at mga hayag na patunay. Sa kabila nito, tunay na ang marami sa kanila ay mga lumalampas sa mga hangganan ni Allāh sa pamamagitan ng pagkagawa ng mga pagsuway at pagsalungat sa mga sugo nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 31 Susunod Al-Mā’idah • Talata 33