Kaya nagpadala si Allāh ng isang uwak na kakahig sa lupa upang magpakita ito sa kanya kung papaanong magkukubli ng bangkay ng kapatid niya. Nagsabi siya: “O kapighatian sa akin, pinanghinaan ako na maging tulad ng uwak na ito para magkubli ako ng bangkay ng kapatid ko.” Kaya siya ay naging kabilang sa mga nagsisisi. Al-Mā’idah 5:31 ⧉
Tafsīr:
Kaya nagsugo si Allāh ng isang uwak na bubungkal sa lupa sa harapan ni Cain upang maglibing ito roon ng isang patay na uwak upang magturo ito sa kanya kung papaanong magtatakip ng katawan ng kapatid niya. Nagsabi ang pumatay sa kapatid niya nang sandaling iyon: "O kapighatian, pinanghina ako na ako ay maging tulad ng uwak na ito na nagkubli sa ibang uwak na patay para magkubli ako sa bangkay ng kapatid ko." Kaya nagkubli siya nito saka siya ay naging kabilang sa mga nanghihinayang.