Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 64 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 64 sa 200 • Tagalog


قُلْ يَا أَهْلَ الْكِتَابِ تَعَالَوْا إِلَىٰ كَلِمَةٍ سَوَاءٍ بَيْنَنَا وَبَيْنَكُمْ أَلَّا نَعْبُدَ إِلَّا اللَّهَ وَلَا نُشْرِكَ بِهِ شَيْئًا وَلَا يَتَّخِذَ بَعْضُنَا بَعْضًا أَرْبَابًا مِنْ دُونِ اللَّهِ ۚ فَإِنْ تَوَلَّوْا فَقُولُوا اشْهَدُوا بِأَنَّا مُسْلِمُونَ 64
Pagsasalin:
Sabihin mo: “O mga May Kasulatan, halikayo sa isang salitang magkatulad sa pagitan namin at ninyo: na hindi tayo sasamba kundi kay Allāh, hindi tayo magtatambal sa Kanya ng anuman, at hindi gagawa ang iba sa atin sa iba bilang mga panginoon bukod pa kay Allāh.” Ngunit kung tumalikod sila ay sabihin ninyo: “Sumaksi kayo na kami ay mga Muslim.” Āl ‘Imrān 3:64
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo: "Halikayo, O mga May Aklat kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano; magkaisa tayo sa isang salita ng katarungan na nagkakapantay tayo rito sa kalahatan: na magbukod-tangi tayo kay Allāh sa pagsamba kaya hindi tayo sasamba kasama Niya sa isa mang iba pa sa Kanya maging ano pa man ang kaantasan nito at gaano pa man tumaas ang kalagayan nito, at hindi gagawa ang iba sa atin sa iba bilang mga panginoong sinasamba at tinatalima bukod pa kay Allāh." Ngunit kung lumisan sila palayo sa ipinaaanyaya mo sa kanila na katotohanan at katarungan ay sabihin ninyo sa kanila, O mga mananampalataya: "Sumaksi kayo na kami ay mga sumusuko kay Allāh, mga nagpapaakay sa Kanya – pagkataas-taas Siya – sa pagtalima."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 63 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 65