Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 66)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 66

هَا أَنْتُمْ هَٰؤُلَاءِ حَاجَجْتُمْ فِيمَا لَكُمْ بِهِ عِلْمٌ فَلِمَ تُحَاجُّونَ فِيمَا لَيْسَ لَكُمْ بِهِ عِلْمٌ ۚ وَاللَّهُ يَعْلَمُ وَأَنْتُمْ لَا تَعْلَمُونَ 66 ٦٦

Kayo itong nakikipagkatwiran hinggil sa mayroon kayo ritong kaalaman kaya bakit kayo nakikipagkatwiran hinggil sa wala kayo ritong kaalaman? Si Allāh ay nakaaalam at kayo ay hindi nakaaalam. (66)

Tafsīr
Heto kayo, O mga May Aklat, nakipagtalo sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – hinggil sa mayroon kayo ritong kaalaman mula sa usapin ng relihiyon ninyo at anumang ibinaba sa inyo kaya bakit kayo nakikipagtalo hinggil sa wala kayo ritong kaalaman mula sa usapin kay Abraham at relihiyon niya, na wala sa mga aklat ninyo at hindi inihatid ng mga propeta ninyo? Si Allāh ay nakaaalam sa mga katotohanan ng mga usapin at mga lihim ng mga ito, at kayo ay hindi nakaaalam.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba