Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 67)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 67

مَا كَانَ إِبْرَاهِيمُ يَهُودِيًّا وَلَا نَصْرَانِيًّا وَلَٰكِنْ كَانَ حَنِيفًا مُسْلِمًا وَمَا كَانَ مِنَ الْمُشْرِكِينَ 67 ٦٧

Hindi nangyaring si Abraham ay isang Hudyo ni isang Kristiyano, subalit siya noon ay isang makatotoong Muslim at hindi siya naging kabilang sa mga tagapagtambal [kay Allāh]. (67)

Tafsīr
Hindi nangyaring si Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay nasa kapaniwalaang panghudyo ni pangkristiyano subalit siya noon ay nakakiling palayo sa mga relihiyong bulaan bilang tagapasakop kay Allāh, na naniniwala sa kaisahan Niya – pagkataas-taas Siya. Hindi siya naging kabilang sa mga tagapagtambal kay Allāh gaya ng inaakala ng mga tagapagtambal sa mga Arabe na sila raw ay nasa kapaniwalaan niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba