Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 73)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 73

وَلَا تُؤْمِنُوا إِلَّا لِمَنْ تَبِعَ دِينَكُمْ قُلْ إِنَّ الْهُدَىٰ هُدَى اللَّهِ أَنْ يُؤْتَىٰ أَحَدٌ مِثْلَ مَا أُوتِيتُمْ أَوْ يُحَاجُّوكُمْ عِنْدَ رَبِّكُمْ ۗ قُلْ إِنَّ الْفَضْلَ بِيَدِ اللَّهِ يُؤْتِيهِ مَنْ يَشَاءُ ۗ وَاللَّهُ وَاسِعٌ عَلِيمٌ 73 ٧٣

Huwag kayong maniwala maliban sa sinumang sumunod sa relihiyon ninyo.” Sabihin mo: “Tunay na ang patnubay ay ang patnubay ni Allāh. [May pangamba ba] na magbigay sa isa ng [kalamangang] tulad ng ibinigay sa inyo o makikipagkatwiran sila sa inyo sa piling ng Panginoon ninyo?” Sabihin mo: “Tunay na ang kabutihang-loob ay nasa kamay ni Allāh; nagbibigay Siya nito sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay Malawak, Maalam.” (73)

Tafsīr
Nagsabi rin sila: "Huwag kayong maniwala maliban sa isang tagasunod ng relihiyon ninyo." Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ang patnubay tungo sa katotohanan ay ang patnubay ni Allāh – pagkataas-taas Siya – hindi ang taglay ninyo na pagpapasinungaling at pagmamatigas dala ng pangamba na nagbigay sa isa ng kabutihang-loob tulad ng ibinigay sa inyo o dala ng pangamba na makipagkatwiran sila sa inyo sa harap ng Panginoon ninyo kung kumilala kayo sa pinababa sa kanila." Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ang kabutihang-loob ay nasa kamay ni Allāh; nagbibigay Siya nito sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Hindi nalilimitahan ang kagandahang-loob Niya sa isang kalipunan bukod sa isang kalipunan. Si Allāh ay Malawak ang kabutihang-loob, Maalam sa sinumang nagiging karapat-dapat dito."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba