Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 73 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 73 sa 200 • Tagalog


وَلَا تُؤْمِنُوا إِلَّا لِمَنْ تَبِعَ دِينَكُمْ قُلْ إِنَّ الْهُدَىٰ هُدَى اللَّهِ أَنْ يُؤْتَىٰ أَحَدٌ مِثْلَ مَا أُوتِيتُمْ أَوْ يُحَاجُّوكُمْ عِنْدَ رَبِّكُمْ ۗ قُلْ إِنَّ الْفَضْلَ بِيَدِ اللَّهِ يُؤْتِيهِ مَنْ يَشَاءُ ۗ وَاللَّهُ وَاسِعٌ عَلِيمٌ 73
Pagsasalin:
Huwag kayong maniwala maliban sa sinumang sumunod sa relihiyon ninyo.” Sabihin mo: “Tunay na ang patnubay ay ang patnubay ni Allāh. [May pangamba ba] na magbigay sa isa ng [kalamangang] tulad ng ibinigay sa inyo o makikipagkatwiran sila sa inyo sa piling ng Panginoon ninyo?” Sabihin mo: “Tunay na ang kabutihang-loob ay nasa kamay ni Allāh; nagbibigay Siya nito sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay Malawak, Maalam.” Āl ‘Imrān 3:73
Tafsīr:
Nagsabi rin sila: "Huwag kayong maniwala maliban sa isang tagasunod ng relihiyon ninyo." Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ang patnubay tungo sa katotohanan ay ang patnubay ni Allāh – pagkataas-taas Siya – hindi ang taglay ninyo na pagpapasinungaling at pagmamatigas dala ng pangamba na nagbigay sa isa ng kabutihang-loob tulad ng ibinigay sa inyo o dala ng pangamba na makipagkatwiran sila sa inyo sa harap ng Panginoon ninyo kung kumilala kayo sa pinababa sa kanila." Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ang kabutihang-loob ay nasa kamay ni Allāh; nagbibigay Siya nito sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Hindi nalilimitahan ang kagandahang-loob Niya sa isang kalipunan bukod sa isang kalipunan. Si Allāh ay Malawak ang kabutihang-loob, Maalam sa sinumang nagiging karapat-dapat dito."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 72 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 74