Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha ng mga langit at lupa ay talagang magsasabi nga sila na si Allāh. Sabihin mo: “Ang papuri ay ukol kay Allāh.” Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam. (25)
Tafsīr
Talagang kung nagtanong ka, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito kung sino ang lumikha ng mga langit at sino ang lumikha ng lupa ay talagang magsasabi nga sila na ang lumikha ng mga ito ay si Allāh. Sabihin mo sa kanila: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpalitaw sa katwiran sa inyo." Bagkus ang karamihan sa kanila ay hindi nakaaalam sa kung sino ang nagiging karapat-dapat sa papuri dahil sa kamangmangan nila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: