Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 76)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Bagkus ang sinumang magpatupad sa kasunduan sa kanya at nangilag magkasala sapagkat tunay na si Allāh ay umiibig sa mga tagapangilag magkasala. (76)
Tafsīr
Ang usapin ay hindi gaya ng inakala nila, bagkus sa kanila ay may pagkaasiwa. Subalit ang sinumang magpatupad sa kasunduan sa kanya kay Allāh na pagsampalataya sa Kanya at sa mga sugo Niya, tumupad sa kasunduan sa kanya sa mga tao saka gumanap ng tungkulin at nangilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, tunay na si Allāh ay umiibig sa mga tagapangilag magkasala. Gaganti Siya sa kanila roon ng pinakamapagbigay na ganti.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: