Bagkus ang sinumang magpatupad sa kasunduan sa kanya at nangilag magkasala sapagkat tunay na si Allāh ay umiibig sa mga tagapangilag magkasala. Āl ‘Imrān 3:76 ⧉
Tafsīr:
Ang usapin ay hindi gaya ng inakala nila, bagkus sa kanila ay may pagkaasiwa. Subalit ang sinumang magpatupad sa kasunduan sa kanya kay Allāh na pagsampalataya sa Kanya at sa mga sugo Niya, tumupad sa kasunduan sa kanya sa mga tao saka gumanap ng tungkulin at nangilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, tunay na si Allāh ay umiibig sa mga tagapangilag magkasala. Gaganti Siya sa kanila roon ng pinakamapagbigay na ganti.