Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 77 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 77 sa 200 • Tagalog


إِنَّ الَّذِينَ يَشْتَرُونَ بِعَهْدِ اللَّهِ وَأَيْمَانِهِمْ ثَمَنًا قَلِيلًا أُولَٰئِكَ لَا خَلَاقَ لَهُمْ فِي الْآخِرَةِ وَلَا يُكَلِّمُهُمُ اللَّهُ وَلَا يَنْظُرُ إِلَيْهِمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ وَلَا يُزَكِّيهِمْ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ 77
Pagsasalin:
Tunay na ang mga bumili kapalit ng kasunduan kay Allāh at mga sinumpaan nila ng isang kaunting panumbas, ang mga iyon ay walang bahagi ukol sa kanila sa Kabilang-buhay. Hindi kakausap sa kanila si Allāh, hindi Siya titingin sa kanila sa Araw ng Pagbangon, at hindi Siya magbubusilak sa kanila. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit. Āl ‘Imrān 3:77
Tafsīr:
Tunay na ang mga nagpapalit sa tagubilin ni Allāh sa kanila sa pamamagitan ng pagsunod sa pinababa Niya sa kasulatan Niya at ipinasugo Niya sa mga sugo Niya at sa pamamagitan ng mga sinumpaan nila na nanindigan sila ng pagtupad sa kasunduan kay Allāh ay nagpapalit sa mga ito ng isang kaunting panumbas mula sa tinatamasa sa Mundo. Walang bahagi ukol sa kanila mula sa gantimpala sa Kabilang-buhay. Hindi kakausap sa kanila si Allāh hinggil magpapagalak sa kanila. Hindi Siya titingin sa kanila ng isang pagtingin ng pagkaawa sa Araw ng Pagbangon. Hindi Siya magdadalisay sa kanila mula sa karumihan ng mga pagkakasala nila at kawalang-pananampalataya nila. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 76 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 78