Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 78 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 78 sa 200 • Tagalog


وَإِنَّ مِنْهُمْ لَفَرِيقًا يَلْوُونَ أَلْسِنَتَهُمْ بِالْكِتَابِ لِتَحْسَبُوهُ مِنَ الْكِتَابِ وَمَا هُوَ مِنَ الْكِتَابِ وَيَقُولُونَ هُوَ مِنْ عِنْدِ اللَّهِ وَمَا هُوَ مِنْ عِنْدِ اللَّهِ وَيَقُولُونَ عَلَى اللَّهِ الْكَذِبَ وَهُمْ يَعْلَمُونَ 78
Pagsasalin:
Tunay na kabilang sa kanila ay talagang isang pangkat na pumipilipit ng mga dila nila sa [pagbasa ng] kasulatan upang mag-akala kayong iyon ay mula sa Kasulatan samantalang iyon ay hindi bahagi ng Kasulatan, na nagsasabing iyon ay mula sa ganang kay Allāh samantalang iyon ay hindi mula sa ganang kay Allāh, at na nagsasabi hinggil kay Allāh ng kasinungalingan samantalang sila ay nakaaalam. Āl ‘Imrān 3:78
Tafsīr:
Tunay na kabilang sa mga Hudyo ay talagang isang pangkatin na naglilihis ng mga dila nila sa pagsambit ng hindi bahagi ng Torah na pinababa mula sa ganang kay Allāh upang magpalagay kayong sila ay bumabasa ng Torah samantalang iyon ay hindi bahagi ng Torah bagkus iyon ay bahagi ng pagsisinungaling nila at gawa-gawa nila laban kay Allāh. Nagsasabi sila: "Ang binabasa namin ay pinababa mula sa ganang kay Allāh" samantalang iyon ay hindi mula sa ganang kay Allāh. Nagsasabi sila laban kay Allāh ng kasinungalingan samantalang sila ay nakaaalam sa pagsisinungaling nila laban kay Allāh at sa mga sugo Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 77 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 79