Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 77)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 77

إِنَّ الَّذِينَ يَشْتَرُونَ بِعَهْدِ اللَّهِ وَأَيْمَانِهِمْ ثَمَنًا قَلِيلًا أُولَٰئِكَ لَا خَلَاقَ لَهُمْ فِي الْآخِرَةِ وَلَا يُكَلِّمُهُمُ اللَّهُ وَلَا يَنْظُرُ إِلَيْهِمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ وَلَا يُزَكِّيهِمْ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ 77 ٧٧

Tunay na ang mga bumili kapalit ng kasunduan kay Allāh at mga sinumpaan nila ng isang kaunting panumbas, ang mga iyon ay walang bahagi ukol sa kanila sa Kabilang-buhay. Hindi kakausap sa kanila si Allāh, hindi Siya titingin sa kanila sa Araw ng Pagbangon, at hindi Siya magbubusilak sa kanila. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit. (77)

Tafsīr
Tunay na ang mga nagpapalit sa tagubilin ni Allāh sa kanila sa pamamagitan ng pagsunod sa pinababa Niya sa kasulatan Niya at ipinasugo Niya sa mga sugo Niya at sa pamamagitan ng mga sinumpaan nila na nanindigan sila ng pagtupad sa kasunduan kay Allāh ay nagpapalit sa mga ito ng isang kaunting panumbas mula sa tinatamasa sa Mundo. Walang bahagi ukol sa kanila mula sa gantimpala sa Kabilang-buhay. Hindi kakausap sa kanila si Allāh hinggil magpapagalak sa kanila. Hindi Siya titingin sa kanila ng isang pagtingin ng pagkaawa sa Araw ng Pagbangon. Hindi Siya magdadalisay sa kanila mula sa karumihan ng mga pagkakasala nila at kawalang-pananampalataya nila. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba