Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 78)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 78

وَإِنَّ مِنْهُمْ لَفَرِيقًا يَلْوُونَ أَلْسِنَتَهُمْ بِالْكِتَابِ لِتَحْسَبُوهُ مِنَ الْكِتَابِ وَمَا هُوَ مِنَ الْكِتَابِ وَيَقُولُونَ هُوَ مِنْ عِنْدِ اللَّهِ وَمَا هُوَ مِنْ عِنْدِ اللَّهِ وَيَقُولُونَ عَلَى اللَّهِ الْكَذِبَ وَهُمْ يَعْلَمُونَ 78 ٧٨

Tunay na kabilang sa kanila ay talagang isang pangkat na pumipilipit ng mga dila nila sa [pagbasa ng] kasulatan upang mag-akala kayong iyon ay mula sa Kasulatan samantalang iyon ay hindi bahagi ng Kasulatan, na nagsasabing iyon ay mula sa ganang kay Allāh samantalang iyon ay hindi mula sa ganang kay Allāh, at na nagsasabi hinggil kay Allāh ng kasinungalingan samantalang sila ay nakaaalam. (78)

Tafsīr
Tunay na kabilang sa mga Hudyo ay talagang isang pangkatin na naglilihis ng mga dila nila sa pagsambit ng hindi bahagi ng Torah na pinababa mula sa ganang kay Allāh upang magpalagay kayong sila ay bumabasa ng Torah samantalang iyon ay hindi bahagi ng Torah bagkus iyon ay bahagi ng pagsisinungaling nila at gawa-gawa nila laban kay Allāh. Nagsasabi sila: "Ang binabasa namin ay pinababa mula sa ganang kay Allāh" samantalang iyon ay hindi mula sa ganang kay Allāh. Nagsasabi sila laban kay Allāh ng kasinungalingan samantalang sila ay nakaaalam sa pagsisinungaling nila laban kay Allāh at sa mga sugo Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba