Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 7)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Siya ay ang nagpababa sa iyo ng Aklat; mula rito ay may mga talatang isinatahasan – na ang mga ito ay ang saligan ng Aklat – at may mga ibang pinatalinghaga. Hinggil sa mga nasa mga puso nila ay may pagliko [palayo sa katotohanan], sumusunod sila sa anumang tumalinghaga mula rito dala ng paghahangad ng ligalig at dala ng paghahangad ng pagbibigay-pakahulugan dito samantalang walang nakaaalam sa pagpapakahulugan dito kundi si Allāh. Ang mga nagpakalalim sa kaalaman ay nagsasabi: “Sumampalataya kami rito; lahat ay mula sa ganang Panginoon namin.” Walang nagsasaalaala kundi ang mga may isip. (7)
Tafsīr
Siya ay ang nagpababa sa iyo, O Propeta, ng Qur'ān. Bahagi nito ay mga talatang maliwanag ang pahiwatig, na walang kalituhan sa mga ito. Ang mga ito ay ang saligan ng Aklat at ang karamihan doon. Ang mga ito ay ang sanggunian sa sandali ng pagkakaiba-iba. Bahagi rin nito ay mga talatang iba pa, na naglalaman ng higit sa isang kahulugan, na nakalilito ang kahulugan ng mga ito sa higit na marami sa mga tao. Hinggil sa mga yaong sa mga puso nila ay may pagkiling palayo sa katotohanan, iniiwan nila ang tahas at kinukuha nila ang malamang na talinghaga. Naghahangad sila sa pamamagitan niyon ng pagpukaw sa kalituhan at pagliligaw sa mga tao. Naghahangad sila sa pamamagitan niyon ng pagpapakahulugan sa pamamagitan ng mga pithaya nila ayon sa umaangkop sa mga tiwaling paniniwala nila. Walang nakaaalam sa reyalidad ng mga kahulugan ng mga talatang ito at kahihinatnan ng mga ito na ipinakakahulugan kundi si Allāh. Ang mga nagpakalalim sa kaalaman, na mga nagpakahusay dito, ay nagsasabi: "Sumampalataya kami sa Qur'ān sa kabuuan nito dahil ito sa kabuuan nito ay mula sa ganang Panginoon namin." Ipinaliliwanag nila ang talinghaga sa pamamagitan ng tahasan mula rito. Walang nagsasaalaala at napangangaralan kundi ang mga may matinong pag-iisip.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: