Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 83)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kaya ba sa iba pa sa relihiyon ni Allāh naghahangad sila samantalang sa Kanya nagpasakop ang sinumang nasa mga langit at lupa sa pagkukusang-loob at pagkasuklam at sa Kanya sila pababalikin? (83)
Tafsīr
Kaya ba sa iba pa sa relihiyon ni Allāh na pinili Niya para sa mga lingkod Niya – ang Islām – naghahangad ang mga lumalabas na ito sa relihiyon ni Allāh at pagtalima sa Kanya samantalang sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – nagpaakay at sumuko ang bawat sinumang nasa mga langit at lupa kabilang sa mga nilikha sa pagkukusang-loob sa Kanya gaya ng kalagayan ng mga mananampalataya at sa pagkasuklam gaya ng kalagayan ng mga tagatangging sumampalataya? Pagkatapos tungo sa Kanya – pagkataas-taas Siya – pababalikin ang mga nilikha sa kabuuan nila sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: