Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 83 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 83 sa 200 • Tagalog


أَفَغَيْرَ دِينِ اللَّهِ يَبْغُونَ وَلَهُ أَسْلَمَ مَنْ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ طَوْعًا وَكَرْهًا وَإِلَيْهِ يُرْجَعُونَ 83
Pagsasalin:
Kaya ba sa iba pa sa relihiyon ni Allāh naghahangad sila samantalang sa Kanya nagpasakop ang sinumang nasa mga langit at lupa sa pagkukusang-loob at pagkasuklam at sa Kanya sila pababalikin? Āl ‘Imrān 3:83
Tafsīr:
Kaya ba sa iba pa sa relihiyon ni Allāh na pinili Niya para sa mga lingkod Niya – ang Islām – naghahangad ang mga lumalabas na ito sa relihiyon ni Allāh at pagtalima sa Kanya samantalang sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – nagpaakay at sumuko ang bawat sinumang nasa mga langit at lupa kabilang sa mga nilikha sa pagkukusang-loob sa Kanya gaya ng kalagayan ng mga mananampalataya at sa pagkasuklam gaya ng kalagayan ng mga tagatangging sumampalataya? Pagkatapos tungo sa Kanya – pagkataas-taas Siya – pababalikin ang mga nilikha sa kabuuan nila sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 82 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 84