Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 84 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 84 sa 200 • Tagalog


قُلْ آمَنَّا بِاللَّهِ وَمَا أُنْزِلَ عَلَيْنَا وَمَا أُنْزِلَ عَلَىٰ إِبْرَاهِيمَ وَإِسْمَاعِيلَ وَإِسْحَاقَ وَيَعْقُوبَ وَالْأَسْبَاطِ وَمَا أُوتِيَ مُوسَىٰ وَعِيسَىٰ وَالنَّبِيُّونَ مِنْ رَبِّهِمْ لَا نُفَرِّقُ بَيْنَ أَحَدٍ مِنْهُمْ وَنَحْنُ لَهُ مُسْلِمُونَ 84
Pagsasalin:
Sabihin mo: “Sumampalataya kami kay Allāh, sa anumang pinababa sa amin, at sa anumang pinababa kina Abraham, Ismael, Isaac, Jacob, sa [mga propeta] mga lipi [ng Israel]‌, sa anumang ibinigay kina Moises at Jesus, at sa mga propeta mula sa Panginoon nila. Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa sa kanila at kami sa Kanya ay mga tagapagpasakop.” Āl ‘Imrān 3:84
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo: "Sumampalataya kami kay Allāh bilang Diyos. Tumalima kami sa Kanya sa anumang ipinag-utos Niya. Sumampalataya kami sa kasi na pinababa Niya sa amin, at sa anumang pinababa Niya kina Abraham, Ismael, Isaac, at Jacob, sa anumang pinababa Niya sa mga propeta kabilang sa mga anak ni Jacob, sa anumang ibinigay kina Moises at Jesus, at sa mga propeta sa kalahatan na mga kasulatan at mga himala mula sa Panginoon nila. Hindi kami nagtatangi-tangi sa pagitan nila para sumampalataya sa iba at tumangging sumampalataya sa iba pa. Kami ay mga nagpapaakay kay Allāh lamang, na mga sumusuko sa Kanya – pagkataas-taas Siya."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 83 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 85