Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 84)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sabihin mo: “Sumampalataya kami kay Allāh, sa anumang pinababa sa amin, at sa anumang pinababa kina Abraham, Ismael, Isaac, Jacob, sa [mga propeta] mga lipi [ng Israel], sa anumang ibinigay kina Moises at Jesus, at sa mga propeta mula sa Panginoon nila. Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa sa kanila at kami sa Kanya ay mga tagapagpasakop.” (84)
Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo: "Sumampalataya kami kay Allāh bilang Diyos. Tumalima kami sa Kanya sa anumang ipinag-utos Niya. Sumampalataya kami sa kasi na pinababa Niya sa amin, at sa anumang pinababa Niya kina Abraham, Ismael, Isaac, at Jacob, sa anumang pinababa Niya sa mga propeta kabilang sa mga anak ni Jacob, sa anumang ibinigay kina Moises at Jesus, at sa mga propeta sa kalahatan na mga kasulatan at mga himala mula sa Panginoon nila. Hindi kami nagtatangi-tangi sa pagitan nila para sumampalataya sa iba at tumangging sumampalataya sa iba pa. Kami ay mga nagpapaakay kay Allāh lamang, na mga sumusuko sa Kanya – pagkataas-taas Siya."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: