Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 86)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 86

كَيْفَ يَهْدِي اللَّهُ قَوْمًا كَفَرُوا بَعْدَ إِيمَانِهِمْ وَشَهِدُوا أَنَّ الرَّسُولَ حَقٌّ وَجَاءَهُمُ الْبَيِّنَاتُ ۚ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الظَّالِمِينَ 86 ٨٦

Papaanong magpapatnubay si Allāh sa mga taong tumangging sumampalataya matapos ng pagsampalataya nila at sumaksi na ang Sugo ay totoo at dumating sa kanila ang mga malinaw na patunay? Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan. (86)

Tafsīr
Papaanong magtutuon si Allāh sa pananampalataya sa Kanya at sa Sugo Niya sa mga taong tumangging sumampalataya matapos ng pananampalataya nila kay Allāh at pagsaksi nila na ang inihatid ng Sugong si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay totoo at dumating sa kanila ang mga patotoong maliwanag sa katumpakan niyon? Si Allāh ay hindi nagtutuon sa pananampalataya sa Kanya sa mga taong tagalabag sa katarungan, na mga pumili sa pagkaligaw sa halip ng patnubay.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba