Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 90)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 90

إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا بَعْدَ إِيمَانِهِمْ ثُمَّ ازْدَادُوا كُفْرًا لَنْ تُقْبَلَ تَوْبَتُهُمْ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الضَّالُّونَ 90 ٩٠

Tunay na ang mga tumangging sumampalataya matapos ng pananampalataya nila, pagkatapos nadagdagan sila ng kawalang-pananampalataya, ay hindi tatanggapin ang pagbabalik-loob nila. Ang mga iyon ay ang mga naliligaw. (90)

Tafsīr
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya matapos ng pagsampalataya nila at nagpatuloy sa kawalang-pananampalataya nila hanggang sa natanaw nila ang kamatayan, hindi tatanggapin mula sa kanila ang pagbabalik-loob sa sandali ng pagdating ng kamatayan dahil sa pagkawala ng oras nito. Ang mga iyon ay ang mga naliligaw palayo sa landasing tuwid na nagpaparating tungo kay Allāh – pagkataas-taas Siya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba