Tunay na ang mga tumangging sumampalataya matapos ng pananampalataya nila, pagkatapos nadagdagan sila ng kawalang-pananampalataya, ay hindi tatanggapin ang pagbabalik-loob nila. Ang mga iyon ay ang mga naliligaw. Āl ‘Imrān 3:90 ⧉
Tafsīr:
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya matapos ng pagsampalataya nila at nagpatuloy sa kawalang-pananampalataya nila hanggang sa natanaw nila ang kamatayan, hindi tatanggapin mula sa kanila ang pagbabalik-loob sa sandali ng pagdating ng kamatayan dahil sa pagkawala ng oras nito. Ang mga iyon ay ang mga naliligaw palayo sa landasing tuwid na nagpaparating tungo kay Allāh – pagkataas-taas Siya.