Tunay na ang mga tumangging sumampalataya at namatay samantalang sila ay mga tagatangging sumampalataya ay hindi tatanggapin mula sa isa sa kanila ang kasukat ng Mundo na ginto at kahit pa man ipantubos niya ito. Ang mga iyon ay may ukol sa kanila na isang pagdurusang masakit at walang ukol sa kanila na anumang mga tagapag-adya. Āl ‘Imrān 3:91 ⧉
Tafsīr:
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya at namatay sa kawalang-pananampalataya nila ay hindi tatanggapin mula sa isa sa kanila ang kasimbigat ng Mundo na ginto at kahit pa man magkaloob siya nito kapalit ng pagkaalpas niya mula sa Apoy. Ang mga iyon ay ang mga may ukol sa kanila na isang pagdurusang masakit at walang ukol sa kanila na anumang mga tagapag-adya sa Araw ng Pagbangon, na magsasanggalang sa kanila sa pagdurusa.