Hindi kayo magtatamo ng pagsasamabuting-loob hanggang sa gumugol kayo mula sa naiibigan ninyo. Ang ginugugol ninyo na anuman, tunay na si Allāh rito ay Maalam. Āl ‘Imrān 3:92 ⧉
Tafsīr:
Hindi kayo makaaabot, O mga mananampalataya, sa gantimpala ng mga alagad ng pagpapakabuti at sa antas nila hanggang sa gumugol kayo ayon sa landas ni Allāh mula sa mga yaman ninyong iniibig ninyo. Ang ginugugol ninyo na anuman, kaunti man o marami, tunay na si Allāh rito ay Maalam sa mga layunin ninyo. Gaganti Siya sa bawat isa dahil sa gawa nito.