Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 93 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 93 sa 200 • Tagalog


كُلُّ الطَّعَامِ كَانَ حِلًّا لِبَنِي إِسْرَائِيلَ إِلَّا مَا حَرَّمَ إِسْرَائِيلُ عَلَىٰ نَفْسِهِ مِنْ قَبْلِ أَنْ تُنَزَّلَ التَّوْرَاةُ ۗ قُلْ فَأْتُوا بِالتَّوْرَاةِ فَاتْلُوهَا إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ 93
Pagsasalin:
Ang lahat ng [dalisay na] pagkain noon ay ipinahintulot para sa mga anak ni Israel maliban ang ipinagbawal ni Israel sa sarili nito bago pa ibinaba ang Torah. Sabihin mo: “Maglahad kayo ng Torah saka bumigkas kayo nito kung kayo ay mga tapat.” Āl ‘Imrān 3:93
Tafsīr:
Ang lahat ng mga pagkaing kaaya-aya noon ay ipinahihintulot para sa mga anak ni Israel at hindi nagbawal sa kanila mula sa mga ito maliban sa ipinagbawal ni Jacob sa sarili niya bago ng pagbaba ng Torah, hindi gaya ng inaangkin ng mga Hudyo na ang pagbabawal na iyon daw noon ay nasa Torah. Sabihin mo sa kanila, O Propeta: "Maglahad kayo ng Torah at basahin ninyo ito kung kayo ay mga tapat sa pinagsasabi ninyong ito." Kaya nagulantang sila at hindi sila nakapaglahad nito. Ito ay isang halimbawa na nagpapatunay sa paggagawa-gawa ng kabulaanan ng mga Hudyo sa Torah at pagpapalihis sa nilalaman nito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 92 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 94