Kaya ang sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng kasinungalingan matapos na niyon, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan. Āl ‘Imrān 3:94 ⧉
Tafsīr:
Kaya ang mga gumawa-gawa ng kasinungalingan laban kay Allāh matapos ng paglitaw ng katwiran, na ang ipinagbawal ni Jacob – sumakanya ang pangangalaga – ay ipinagbawal nito sa sarili nito na hindi isang pagbabawal mula kay Allāh, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa pag-iwan sa katotohanan matapos ng paglitaw ng katwiran nito.