maliban sa mga nagbalik-loob matapos na niyon at nagsaayos sapagkat tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. Āl ‘Imrān 3:89 ⧉
Tafsīr:
Maliban sa mga bumalik kay Allāh matapos ng kawalang-pananampalataya nila at kawalang-katarungan nila at nagsaayos sa gawain nila sapagkat tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.