Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 93)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 93

كُلُّ الطَّعَامِ كَانَ حِلًّا لِبَنِي إِسْرَائِيلَ إِلَّا مَا حَرَّمَ إِسْرَائِيلُ عَلَىٰ نَفْسِهِ مِنْ قَبْلِ أَنْ تُنَزَّلَ التَّوْرَاةُ ۗ قُلْ فَأْتُوا بِالتَّوْرَاةِ فَاتْلُوهَا إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ 93 ٩٣

Ang lahat ng [dalisay na] pagkain noon ay ipinahintulot para sa mga anak ni Israel maliban ang ipinagbawal ni Israel sa sarili nito bago pa ibinaba ang Torah. Sabihin mo: “Maglahad kayo ng Torah saka bumigkas kayo nito kung kayo ay mga tapat.” (93)

Tafsīr
Ang lahat ng mga pagkaing kaaya-aya noon ay ipinahihintulot para sa mga anak ni Israel at hindi nagbawal sa kanila mula sa mga ito maliban sa ipinagbawal ni Jacob sa sarili niya bago ng pagbaba ng Torah, hindi gaya ng inaangkin ng mga Hudyo na ang pagbabawal na iyon daw noon ay nasa Torah. Sabihin mo sa kanila, O Propeta: "Maglahad kayo ng Torah at basahin ninyo ito kung kayo ay mga tapat sa pinagsasabi ninyong ito." Kaya nagulantang sila at hindi sila nakapaglahad nito. Ito ay isang halimbawa na nagpapatunay sa paggagawa-gawa ng kabulaanan ng mga Hudyo sa Torah at pagpapalihis sa nilalaman nito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba