Surah Ar-Rūm (Ang mga Romano — الروم) (Talata 21)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




30 Ar-Rūm(الروم), Talata 21

وَمِنْ آيَاتِهِ أَنْ خَلَقَ لَكُمْ مِنْ أَنْفُسِكُمْ أَزْوَاجًا لِتَسْكُنُوا إِلَيْهَا وَجَعَلَ بَيْنَكُمْ مَوَدَّةً وَرَحْمَةً ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِقَوْمٍ يَتَفَكَّرُونَ 21 ٢١

Kabilang sa mga tanda Niya na lumikha Siya para sa inyo, mula sa mga sarili ninyo, ng mga kabiyak upang mapanatag kayo sa kanila at naglagay Siya sa pagitan ninyo ng pagmamahal at awa. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nag-iisip-isip. (21)

Tafsīr
Kabilang sa mga dakilang tanda Niya gayundin na nagpapatunay sa kakayahan Niya at kaisahan Niya ay na lumikha Siya alang-alang sa inyo, O mga lalaki, mula sa lahi ninyo ng mga kabiyak upang mapanatag ang mga sarili ninyo sa kanila dahil sa pagkakatulad ng uri sa pagitan ninyo, at gumawa Siya sa pagitan ninyo ng pag-ibig at simpatiya. Tunay na sa nabanggit na iyon ay talagang may mga patotoo at mga katunayang maliwanag para sa mga taong nag-iisip-isip dahil sila ay ang mga makikinabang sa pagpapagana ng mga isip nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba