Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ar-Rūm — Talata 21 (Tagalog) — Bidyo

Ar-Rūm • Talata 21 sa 60 • Tagalog


وَمِنْ آيَاتِهِ أَنْ خَلَقَ لَكُمْ مِنْ أَنْفُسِكُمْ أَزْوَاجًا لِتَسْكُنُوا إِلَيْهَا وَجَعَلَ بَيْنَكُمْ مَوَدَّةً وَرَحْمَةً ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِقَوْمٍ يَتَفَكَّرُونَ 21
Pagsasalin:
Kabilang sa mga tanda Niya na lumikha Siya para sa inyo, mula sa mga sarili ninyo, ng mga kabiyak upang mapanatag kayo sa kanila at naglagay Siya sa pagitan ninyo ng pagmamahal at awa. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nag-iisip-isip. Ar-Rūm 30:21
Tafsīr:
Kabilang sa mga dakilang tanda Niya gayundin na nagpapatunay sa kakayahan Niya at kaisahan Niya ay na lumikha Siya alang-alang sa inyo, O mga lalaki, mula sa lahi ninyo ng mga kabiyak upang mapanatag ang mga sarili ninyo sa kanila dahil sa pagkakatulad ng uri sa pagitan ninyo, at gumawa Siya sa pagitan ninyo ng pag-ibig at simpatiya. Tunay na sa nabanggit na iyon ay talagang may mga patotoo at mga katunayang maliwanag para sa mga taong nag-iisip-isip dahil sila ay ang mga makikinabang sa pagpapagana ng mga isip nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ar-Rūm • Talata 20 Susunod Ar-Rūm • Talata 22