Kabilang sa mga tanda Niya na lumikha Siya sa inyo mula sa alabok, pagkatapos biglang kayo ay mga taong lumalaganap. Ar-Rūm 30:20 ⧉
Tafsīr:
Kabilang sa mga dakilang tanda ni Allāh na nagpapatunay sa kakayahan Niya at kaisahan Niya ay na lumikha Siya sa inyo, O mga tao, mula sa alabok nang nilikha Niya ang ama ninyo mula rito, pagkatapos biglang kayo ay mga taong nagdadamihan sa pamamagitan ng pag-aanak at lumalaganap sa mga silangan ng lupa at mga kanluran nito.