Surah Ar-Rūm (Ang mga Romano — الروم) (Talata 33)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




30 Ar-Rūm(الروم), Talata 33

وَإِذَا مَسَّ النَّاسَ ضُرٌّ دَعَوْا رَبَّهُمْ مُنِيبِينَ إِلَيْهِ ثُمَّ إِذَا أَذَاقَهُمْ مِنْهُ رَحْمَةً إِذَا فَرِيقٌ مِنْهُمْ بِرَبِّهِمْ يُشْرِكُونَ 33 ٣٣

Kapag may sumaling sa mga tao na isang kapinsalaan ay dumadalangin sila sa Panginoon nila, habang mga nagsisising nanunumbalik tungo sa Kanya. Pagkatapos kapag nagpalasap Siya sa kanila ng isang awa mula sa Kanya, biglang may isang pangkat kabilang sa kanila na sa Panginoon nila ay nagtatambal (33)

Tafsīr
Kapag may dumapo sa mga tagapagtambal na isang kasawiang gaya ng karamdaman o karalitaan o tagtuyot ay dumadalangin sila sa Panginoon nila lamang – kaluwalhatian sa Kanya – habang mga bumabalik sa Kanya sa pamamagitan ng pagsusumamo at pagdulog na ibaling palayo sa kanila ang dumapo sa kanila. Pagkatapos kapag naawa Siya sa kanila sa pamamagitan ng pag-aalis sa dumapo sa kanila, biglang may isang pangkat kabilang sa kanila na bumabalik sa pagtatambal nila kasama kay Allāh ng iba pa sa Kanya sa pagdalangin.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba