Surah Ar-Rūm (Ang mga Romano — الروم) (Talata 37)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




30 Ar-Rūm(الروم), Talata 37

أَوَلَمْ يَرَوْا أَنَّ اللَّهَ يَبْسُطُ الرِّزْقَ لِمَنْ يَشَاءُ وَيَقْدِرُ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ 37 ٣٧

Hindi ba sila nakakita na si Allāh ay nagpapaluwag ng panustos para sa sinumang niloloob Niya at naghihigpit [para sa sinumang niloob Niya]? Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong sumasampalataya. (37)

Tafsīr
Hindi ba sila nakakita na si Allāh ay nagpapaluwang sa panustos para sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya bilang pagsusulit para rito kung magpapasalamat ito o tatangging magpasalamat? Nagpapasikip Siya nito sa sinumang niloloob Niya kabilang sa kanila bilang pagsubok para rito kung magtitiis ito o maiinis ito? Tunay na sa pagpapaluwang sa panustos para sa iba at pagpapasikip nito para sa iba ay talagang may mga katunayan para sa mga mananampalataya sa kabaitan ni Allāh at awa Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba