Surah Ar-Rūm (Ang mga Romano — الروم) (Talata 38)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




30 Ar-Rūm(الروم), Talata 38

فَآتِ ذَا الْقُرْبَىٰ حَقَّهُ وَالْمِسْكِينَ وَابْنَ السَّبِيلِ ۚ ذَٰلِكَ خَيْرٌ لِلَّذِينَ يُرِيدُونَ وَجْهَ اللَّهِ ۖ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ 38 ٣٨

Kaya magbigay ka sa may pagkakamag-anak ng karapatan nito, sa dukha, at sa kinapos sa landas. Iyon ay higit na mabuti para sa mga nagnanais [ng kaluguran] ng mukha ni Allāh. Ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay. (38)

Tafsīr
Kaya magbigay ka, O Muslim, sa may kaugnayang pangkaanak ng nagiging karapat-dapat sa kanya na pagpapakabuti at ugnayang pangkaanak. Magbigay ka sa nangangailangan ng tutugon sa pangangailangan niya. Magbigay ka sa estranghero na kinapos sa landas malayo sa bayan niya. Ang pagbibigay na iyon ayon sa mga uring iyon ay higit na mabuti para sa mga nagnanais sa pamamagitan nito [ng kaluguran] ng mukha ni Allāh. Ang mga nagkakaloob ng tulong at mga karapatang ito ay ang mga magwawagi dahil sa pagpapatamo sa kanila ng hinihiling nila mula sa paraiso at dahil sa pagkaligtas nila laban sa anumang pinangingilabutan nila na pagdurusa.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba