Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Si Allāh ay ang lumikha sa inyo mula sa isang kahinaan; pagkatapos gumawa Siya, matapos na ng isang kahinaan, ng isang kalakasan; pagkatapos gumawa Siya, matapos na ng isang kalakasan, ng isang kahinaan at uban. Lumilikha Siya ng anumang niloloob Niya. Siya ay ang Maalam, ang May-kakayahan. (54)
Tafsīr
Si Allāh ay ang lumikha sa inyo, O mga tao, mula sa isang tubig na hamak; pagkatapos gumawa Siya, nang matapos ng isang kahinaan ng pagkabata ninyo, ng isang kalakasan ng kahustuhang-gulang; pagkatapos gumawa Siya, nang matapos ng isang kalakasan ng kahustuhang-gulang, ng isang kahinaan ng katandaan at pagkaulyanin. Lumilikha si Allāh ng anumang niloloob Niya na kahinaan at kalakasan. Siya ay ang Maalam sa bawat bagay: walang nakakukubli sa Kanya na anuman, ang May-kakayahan na walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: