Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ar-Rūm — Talata 54 (Tagalog) — Bidyo

Ar-Rūm • Talata 54 sa 60 • Tagalog


اللَّهُ الَّذِي خَلَقَكُمْ مِنْ ضَعْفٍ ثُمَّ جَعَلَ مِنْ بَعْدِ ضَعْفٍ قُوَّةً ثُمَّ جَعَلَ مِنْ بَعْدِ قُوَّةٍ ضَعْفًا وَشَيْبَةً ۚ يَخْلُقُ مَا يَشَاءُ ۖ وَهُوَ الْعَلِيمُ الْقَدِيرُ 54
Pagsasalin:
Si Allāh ay ang lumikha sa inyo mula sa isang kahinaan; pagkatapos gumawa Siya, matapos na ng isang kahinaan, ng isang kalakasan; pagkatapos gumawa Siya, matapos na ng isang kalakasan, ng isang kahinaan at uban. Lumilikha Siya ng anumang niloloob Niya. Siya ay ang Maalam, ang May-kakayahan. Ar-Rūm 30:54
Tafsīr:
Si Allāh ay ang lumikha sa inyo, O mga tao, mula sa isang tubig na hamak; pagkatapos gumawa Siya, nang matapos ng isang kahinaan ng pagkabata ninyo, ng isang kalakasan ng kahustuhang-gulang; pagkatapos gumawa Siya, nang matapos ng isang kalakasan ng kahustuhang-gulang, ng isang kahinaan ng katandaan at pagkaulyanin. Lumilikha si Allāh ng anumang niloloob Niya na kahinaan at kalakasan. Siya ay ang Maalam sa bawat bagay: walang nakakukubli sa Kanya na anuman, ang May-kakayahan na walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ar-Rūm • Talata 53 Susunod Ar-Rūm • Talata 55