Sa Araw na sasapit ang Huling Sandali, susumpa ang mga salarin na hindi sila namalagi maliban pa sa isang sandali. Gayon dati sila nalilinlang [palayo sa katotohanan]. Ar-Rūm 30:55 ⧉
Tafsīr:
Sa Araw na sasapit ang Pagbangon [ng mga patay], susumpa ang mga salarin na hindi sila nanatili sa mga libingan nila kundi sa isang sandali. Kung paanong ibinaling sila palayo sa pagkakaalam sa tagal ng ipinamalagi nila sa mga libingan nila, sila dati ay ibinabaling sa Mundo palayo sa katotohanan.