Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hindi ba sila nag-isip-isip hinggil sa mga sarili nila? Hindi lumikha si Allāh ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito malibang ayon sa katotohanan at isang taning na tinukoy. Tunay na marami sa mga tao sa pakikipagkita sa Panginoon nila ay talagang mga tagatangging sumampalataya. (8)
Tafsīr
Hindi ba nag-isip-isip itong mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling hinggil sa mga sarili nila kung papaanong lumikha sa mga ito si Allāh at humubog sa mga ito? Hindi lumikha si Allāh ng mga langit at hindi Siya lumikha ng lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito malibang ayon sa katotohanan sapagkat hindi Siya lumikha ng mga ito nang walang kabuluhan. Nagtalaga Siya para sa mga ito ng isang taning na itinakda para sa pananatili ng mga ito sa Mundo. Tunay na marami sa mga tao, sa pakikipagkita sa Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon, ay talagang mga tagatangging sumampalataya roon kaya sila ay hindi naghahanda para sa pagbubuhay [na muli] ng gawang maayos na kinalulugdan sa ganang Panginoon nila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: