Surah Luqmān (Luqman — لقمان) (Talata 10)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




31 Luqmān(لقمان), Talata 10

خَلَقَ السَّمَاوَاتِ بِغَيْرِ عَمَدٍ تَرَوْنَهَا ۖ وَأَلْقَىٰ فِي الْأَرْضِ رَوَاسِيَ أَنْ تَمِيدَ بِكُمْ وَبَثَّ فِيهَا مِنْ كُلِّ دَابَّةٍ ۚ وَأَنْزَلْنَا مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَأَنْبَتْنَا فِيهَا مِنْ كُلِّ زَوْجٍ كَرِيمٍ 10 ١٠

Lumikha Siya ng mga langit nang walang mga haliging nakikita ninyo. Naglapat Siya sa lupa ng mga matatag na bundok nang hindi gumalaw-galaw ang mga ito sa inyo. Nagkalat Siya rito ng bawat gumagalaw na nilalang. Nagpababa Kami mula sa langit ng tubig at nagpatubo Kami sa lupa ng bawat uring marangal. (10)

Tafsīr
Lumikha si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ng mga langit nang nakaangat na walang mga haligi. Nagtukod Siya sa lupa ng mga bundok na matatag upang hindi mayanig ang mga ito sa inyo. Nagkalat Siya sa ibabaw ng lupa ng mga uri ng hayop. Nagpababa Kami mula sa langit ng tubig ng ulan saka nagpatubo Kami sa lupa ng bawat uring marilag ang tanawin, na nakikinabang dito ang mga tao at ang mga hayop.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba