Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Luqmān — Talata 10 (Tagalog) — Bidyo

Luqmān • Talata 10 sa 34 • Tagalog


خَلَقَ السَّمَاوَاتِ بِغَيْرِ عَمَدٍ تَرَوْنَهَا ۖ وَأَلْقَىٰ فِي الْأَرْضِ رَوَاسِيَ أَنْ تَمِيدَ بِكُمْ وَبَثَّ فِيهَا مِنْ كُلِّ دَابَّةٍ ۚ وَأَنْزَلْنَا مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَأَنْبَتْنَا فِيهَا مِنْ كُلِّ زَوْجٍ كَرِيمٍ 10
Pagsasalin:
Lumikha Siya ng mga langit nang walang mga haliging nakikita ninyo. Naglapat Siya sa lupa ng mga matatag na bundok nang hindi gumalaw-galaw ang mga ito sa inyo. Nagkalat Siya rito ng bawat gumagalaw na nilalang. Nagpababa Kami mula sa langit ng tubig at nagpatubo Kami sa lupa ng bawat uring marangal. Luqmān 31:10
Tafsīr:
Lumikha si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ng mga langit nang nakaangat na walang mga haligi. Nagtukod Siya sa lupa ng mga bundok na matatag upang hindi mayanig ang mga ito sa inyo. Nagkalat Siya sa ibabaw ng lupa ng mga uri ng hayop. Nagpababa Kami mula sa langit ng tubig ng ulan saka nagpatubo Kami sa lupa ng bawat uring marilag ang tanawin, na nakikinabang dito ang mga tao at ang mga hayop.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Luqmān • Talata 9 Susunod Luqmān • Talata 11