bilang mga mananatili sa mga ito bilang pangako ni Allāh, na totohanan. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong. Luqmān 31:9 ⧉
Tafsīr:
bilang mga mamamalagi sa mga ito, nangako sa kanila si Allāh niyon bilang pangakong totoo na walang duda rito. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, ang Marunong sa paglikha Niya, pagtatakda Niya, at batas Niya.