Ito ay ang nilikha ni Allāh kaya magpakita kayo sa akin kung ano ang nalikha ng [mga sinasamba ninyo na] bukod pa sa Kanya. Bagkus ang mga tagalabag sa katarungan [na nagtambal kay Allāh] ay nasa isang pagkaligaw na malinaw. Luqmān 31:11 ⧉
Tafsīr:
Ang nabanggit na ito ay nilikha ni Allāh kaya magpakita kayo sa akin, O mga tagapagtambal, kung ano ang nalikha ng mga sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh. Bagkus ang mga tagalabag sa katarungan ay nasa isang pagkaligaw na maliwanag palayo sa katotohanan yayamang nagtatambal sila kasama sa Panginoon nila ng hindi nakalilikha ng anuman samantalang sila ay nililikha.